Mata
- Mar 1, 2019
- 1 min read
Updated: Dec 25, 2020

Nakulong ako
sa kanyang mata
at sa bawat pagpikit
natatanaw ko
ang kanyang mukha
isa siyang katha
at
waring kayraming salita
ang nais kumawala,
isa siyang larawan
ng isang magulong pinta,
subalit naiintindihan lamang
ng isang manlilikha,
at sa bawat umaga
ay tanaw mo ang hiwaga
ng gabing nagsasabing
ang kasagutan ay nasa tala
ng mata niyang mahiwaga






















Comments